
MAYNILA, Pilipinas – Tila umulan ng holy water sa labas ng simbahan ng Santo Niño de Tondo sa lungsod ng Maynila noong Linggo, ika-21 ng Enero, kung kailan ipinagdiriwang ang Pista ng Santo Niño sa boong Pilipinas.
Mula sa isang balkonahe, gamit ang holy water, binasbasan ng mga pari ang samu't saring imahen ng Santo Niño na dala ng mga deboto ngayong Linggo.
Dala ng mga deboto ang kani-kanilang mga panalangin sa Santo Niño.
Panoorin ang mga eksena sa labas ng simbahan ng Santo Niño de Tondo, sa ulat ni Paterno Esmaquel II. – Rappler.com